TAYO NAMAN ANG TAYA! -isang pagninilay sa Kaarawaan ng Mahal na BirhengMaria

Ala-Una ng Madaling Araw ng September 8, 2013, habang pinapanood ko ang Live telecast ng Day of Prayer and Fasting sa Vatican, bigla kong naalala na Birthday na nga pala ni Mama Mary dito sa atin (Philippine Standard Time). Dali-dali akong nagpost ng pagbati sa aking Facebook at twitter accounts. Ilang minuto pa ang lumipas ay trending na sa twitter ang mga salitang: "Happy Birthday Mama Mary!" 


Out of curiosity, binasa ko ang mga post sa twitter para sa Birthday ni Mama Mary, at karamihan sa mga ito ay mga mensahe ng pasasalamat, pagmamahal at pagsusumamo. Ramdam-ramdam sa mga mensaheng aking nabasa ang matinding pagmamahal ng mga Katoliko sa Ina ng ating Panginoon. Hindi naman kataka-taka yan sapagkat matindi rin naman ang pagmamahal sa atin ng Mahal na Ina. Kaya nga, maraming milagro at "answered prayers" ang patuloy nating nasasaksihan sa kanyang walang sawang pamamagitan. 

Ngayong Birthday ni Mama Mary, naisip ko lang, hindi ba dapat tayo naman ang taya? 

We kept asking Mama Mary to pray for us and help us, pero naisip na ba nating ipanalangin at tulungan din ang mga tao sa paligid natin na may hirap na pinagdaraanan? 

We kept asking Mama Mary to lead us closer to Jesus her Son, pero ang tanong, tayo ba mismo ay nakapag-lead na ng ibang tao patungo kay Hesus? Nagiging totoo pa ba tayo sa ating "calling" bilang mga binyagang Kristyano na ipalaganap at ihatid ang Ebanghelyo sa mga dukha? 

We kept asking Mama Mary to cover us with her mantle so may be protected against the evil one, pero tayo kaya, ano na ang nagawa natin para protektahan ang mga maliliit nating Kapatid? Nakakalungkot ang mga balitang lumalabas sa mga pahayagan at TV, dahil kabaligtaran ang nangyayari sa ating lipunan; more and more people are becoming protectors of the evil one. 

At pang-huli, si Mama Mary, without hesitation, said: "YES TO LIFE," at nang dahil sa kanyang matapang yet mapagkumbabang pagsunod na ito sa kalooban ng Ama, isinilang para sa atin ang Tagapagligtas, ang Tagapag-bigay buhay. Tayo kaya, mga Kapatid, sa panahong laganap na ang mga anti-life na mga ideya, may tapang kaya tayo upang tindigan at ipaglaban ang buhay-tao? Sabi nga ni Pope Francis: "Go against the tide, and that means making noise. Go ahead. But with the values ​​of beauty, goodness and truth.”

Tayo naman ang taya, at katulad ng Mahal na Ina, tayo naman ang kumilos at maging biyaya para sa iba.

To the Mother of God and my Mother too,  I Love You! Happy Birthday!



No comments:

Post a Comment