Web Ministry - 100 % Katolikong Pinoy FS Group Assembly

May 16, 2009 niloob ng Panginoon, sa tulong ng moderator, core group at mga sponsors, na maganap ang pinaka-una at pinakahihintay na pagtitipon ng mga miyembro ng virtual group sa Friendster, ang 100 % Katolikong Pinoy..
Before the High Mass: Dean, Ryan, Fr. Zenki, Randolf and the Acolytes

The assembly was commenced with a High Mass celebrated by Fr. Zenki Manabat.. Sa kanyang homily, binigyang diin ang katuturan ng isang grupong may layuning ipalaganap ang salita at Pag-ibig ng Diyos sa gitna ng isang mundong nakatuon sa materyalismo..


100 % Katolikong Pinoy members during the 1st NCR assembly
Pagkakaibigang nagsimula sa isang internet catholic forum.. Iba-iba ang mga opinyon at pananaw, subalit nagkakaisa naman sa iisang layunin, ang lubusang makilala at maintindihan ang Pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan..


"It's I, It's you, It's we, It's Christ who builds community!" (Animation Part)

Hindi man ganon kadami ang dumating, nagkaroon pa rin kami ng isang masaya, makabuluhan at mabiyayang pagtitipon.. hindi naging hadlang ang aming bilang upang masigabong papurihan at parangalan ang ating Diyos na buhay.. kapansin-pansin din ang mga mala-anghel na tinig ng 100% KP Choir na mas lalong nagbigay kulay sa kabuuan ng assembly..

Isang natatanging experience ang maging bahagi ng assembly na ito, lalo't higit sa akin, na naghahanap pa rin hanggang ngayon ng mga kasagutan sa tawag na aking naririnig..

5 comments:

  1. Cool di ako kasama sa pictures

    ReplyDelete
  2. hehehe.. tampo na si philip..

    ReplyDelete
  3. Kapatid may I ask you this article to be included sa KP blog? Very good posts

    ReplyDelete
  4. Di ako tampo. I hate having pictures taken for some weird reason.

    Also loved the poetry right there, lover boy.

    ReplyDelete